-- Advertisements --

Binuksan ngayon ang isang gate ng Magat Dam dahil malapit na ito sa spilling level.

Sa data na inilabas ng Pagasa dakong alas-6:00 ngayong umaga, ang reservoir water level (RWL) ng dam ay nasa 191.06 meters.

Nadagdagan ito ng 0.17 meter mula sa dating 190.89 RWL noong Biyernes.

Ang lebel ng tubig ay malapit na sa spilling level o normal high water level (NHWL) na 193 meters.

Patuloy namang tinututukan ng dam operating and managing agencies ang water level ng naturang dam.