49IB
-- Advertisements --
PHIL ARMY

NAGA CITY – Nakauwi na ang nasa 500 na miyembro ng 49th Infantry “Good Samaritan” Battalion sa Bicol Region matapos ang halos apat na taon mula ng i-deploy para rumesponde sa Marawi City sa Mindanao dahil sa pang-aatake ng Maute Group.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. John Paul Belleza, Division Public Affairs Office (DPAO) Chief, 9ID, Phil Army, sinabi nitong masaya nilang sinalubong ang tropa at nagkaroon din ng kaunting pagtitipon kaugnay ng pagbibigay sa kanila ng komendasyon sa ganap na pagpapalaya sa Marawi city mula sa kamay ng mga terorista.

Kung maaalala, kaugnay nito, nadakip ang isa sa top leader terrorist ng grupo na si Owaida Benito Marohombsar, aka Abu Dar.

Samantala, sinabi rin nito na ang naturang pagpapauwi sa tropa ay para maka-focus na rin sa insurgency sa naturang rehiyon.

Sa ngayon, plano naman na isailalim sa re-training ang tropa bago sila muling i-deploy.

-- Advertisement --