Aabot sa 1,900 immunocompromised Pilipino ang nakatanggap na ng kanilang ikalawang booster dose matapos na simulan ng pamahalaan ang pagrolyo nitong araw ng Lunes para sa National Capital Region.Ayon kay Dr. Gloria Balboa, regional director ng Department of Health-National Capital Region, target na mabigyan ng ikalawang booster doses ang nasa mahigit 250,000 katao na may mahinang immune system sa Metro Manila.
Ang mga kwalipikadong makatanggap ng ikalawang booster base sa DOH guidelines ay ang mga immunodeficiency, mayroong HIV, cancer patients, transplant patients at mga natitake ng immunosuppressive drugs kabilang din ang bedridden patients o may terminal illness.
Inamin din ni Balboa na ilang mga health-care workers at senior citizens na hindi immunocompromised na nabigyan ng ikalawang booster doses sa inisyal na rollout nito.
Aniya, inamin ng ospital na pawang honest mistake ang nangyari.
Sa ngayon, nakatakda pa laamng na irekomenda ng independent advisory body sa ilalim ng DOH na Health Technology Assessment Council ang paggamit ng karagdagng booster dose para sa dalawang high-risk groups.