Aprubado na ng House of Representatives ang $1.9 trillion pandemic aid package ni U.S. President Joe Biden. Isa ito sa malaking hakbang ng Kongreso upang ipatupad ang unang legislative priority ng bagong administrasyon.
Sa botong 219-212, kung saan dalawang Democrats ang bumoto na hindi sang-ayon sa naturang panukala, ito ay sina Kurt Schrader ng Oregon at Jared Golden ng Maine.
Hinihintay na lamang itong ipasa na rin ng Senado.
Inaasahan naman na magtatanggal ito ng probisyon sa naturang panukala na magdadagdag sa federal minimum wage matapos tumanggi ng Senate parliamentarian na isama ito sa ilalim ng procedure o mas kilala bilang “reconciliation.”
Kasama sa COVID-19 relief package na ito ay ang direktang tulong para sa mga maliliit na negosyo, $1,400 direct checkis sa mga Amerikano na kumikita lamang ng $75,000 kada taon, pagtataas sa child tax credit, direct funding ng state at local governments, gayundin ang pondo para sa mga eskwelahan at vaccine distribution.