-- Advertisements --
TESLA ELON MUSK

BEIJING, CHINA – Napagkasunduan na ng U.S electric vehicle maker na Tesla Inc (TSLA.O) at ilang China banks ang five-year loan facility para sa bagong tayong car plant ng Tesla sa Shanghai na tinatayang aabot sa 10 billion yuan o $1.4 billion.

Ilan sa mga bangko na ito ay ang China Construction Bank (0939.HK) (601939.SS) (CCB), Agricultural Bank of China (1288.HK) (601288.SS) (AgBank), Industrial and Commercial Bank of China (601398.SS) (1398.HK) (ICBC) and Shanghai Pudong Development Bank (600000.SS) (SPDB) matapos nilang pumayag na ibigay sa naturang kumpanya ang hinihiling nitong financial support.

Una nang inalok ng mga Chinese banks na ito ang Tesla ng 12-month facility na aabot sa 3.5 billion yuan na nakatakda ring bayaran sa March 4, 2020. Ito ay batay sa inihaing proposal sa U.S. Securities and Exchange Commission ng nasabing automaker.

Ang loan ay gagamitin upang gamiting pambayad sa nauna nang utang ng kumpanya na aabot naman sa 3.5 billion yuan habang ang natitira ay gagamitin sa mga isasagawang factory operation ng Tesla sa China.

Sinimulan ng Tesla ang paggawa ng mga sasakyan sa kanilang Shanghai plant noong Enero. Layunin nitong makabuo ng halos 1,000 Model 3 cars kada linggo bago matapos ang taong 2019.

Buo naman ang suportang ibinibigat ng Shanghai government sa mga proyekto ng Tesla. Umakyat naman ng 3.6% ang shares ng Tesla simula noong Lunes.

Noong nakaraang taon nang binalak ni Elon Musk na gawing pribado ang kumpanya sa halagang $420 ngunit hindi niya ito tinuloy dahil sa matinding pressure na natatanggap mula sa mga investors at regulators.