-- Advertisements --

Masayang ibinalita ngayon ni COVID-19 National Task Force deputy implementer Vince Dizon na dumating na sa bansa ang mahigit isang milyong testing kits na inorder ng Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni Sec. Dizon, dumating ang mga nasabing testing kits sa Villamor Airbase sa Pasay City sakay ng C-130 noong June 21.

Ayon kay Sec. Dizon, target nilang ma-test ang dalawang porsyento ng populasyon hanggang Hulyo para malaman at mahiwalay ang mga mag-positibo.

Inihayag ni Sec. Dizon na balak nilang palawakin ang mga sektor na isasailalim sa testing gaya ng mga transport and services, security and sanitation, education, non-food, food, services, market vendors, media at mga empleyadong magbabalik sa trabaho.

Hihilingin daw nila sa Department of Health (DOH) na palawakin ang mga tinatawag na frontliners maliban sa mga medical workers para maging libre ang gagawing PCR test.