Inaasahan ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bababa ng 0.4 percent ang economic growth ng bansa sa oras na matuloy ang 5 percent contraction sa remittances ngayong taon.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang inaasahang pagdami ng mga Pilipinong walang trabaho abroad ay makakaapekto sa remittances, na kalaunan tiyak na makakapekto sa economic growth ng bansa.

“As you know, we downgraded our forecast from 3% growth (of remittances) before the pandemic to 2% sometime in March, but the latest adjustment that we did was we adjusted it from 2% to -5%,” ani Diokno.

Base sa latest data ng BSP, bumagsak ang remittances sa four-month low noong Marso, kung saan pumalo lamang sa $2.652 billion ang personal remittances, habang ang cash remittances naman ay bumaba sa $2.397 billion.

Ayon kay Diokno, kinonsidera nila sa kanilang latest estimates ang pagtaas ng bilang ng mga unemployed overseas Filipino wrokers, na karamihan ay pawang sea-based.