-- Advertisements --
Tinawag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na isang “war crime” ang ginawang missile attack ng Russia sa apartment ng Dnipro.
Sinabi ng Ukrainian president na hindi sila titigil hanggang hindi mapanagot ang mga nasa likod ng nasabing insidente.
Aabot na sa 40 katao kabilang ang mga bata ang nasawi habang mayroong 25 na iba pa ang nawawala.
Natukoy ng Security Service of Ukraine (SBU) ang anim na miyembro ng Russian military na sinasabing sangkot sa nasabing strike.