-- Advertisements --

Nagsagawa ng surpresang pagbisita sa Lithuania si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Mainiti siyang sinalubong ni Lithuanian President Gitanas Nauseda kung saan pinag-usapan nila ang nalalapit na pagiging miyembro ng Ukraine sa European Union at sa NATO.

Pinasalamatan ni Zelensky ang Lithuania dahil sa pagiging mahigpit na kakampi mula ng magsimulang lusubin sila ng Russia.

Huling bumisita sa Lithuania si Zelensky ay noong Hulyo 2023 ng dumalo siya sa NATO summit.