-- Advertisements --
Patuloy ang paghirit ng tulong ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga bansa dahil sa patuloy ang ginagawang paglusob sa kanila ng Russia.
Sa kaniyang talumpati sa taunang World Economic Forum sa Switzerland, kinukumbinsi niya ang mga lider ng iba’t-ibang bansa na tulungan sila.
Nananatiling nakabinbin aniya kasi ang mahigit $100 bilyon na tulong sa US at sa Europa dahil sa nagaganap na pamumulitika sa nasabing mga bansa.
Binigyang halaga din ng Ukrainian President ang pag-enganyo sa mga pribadong kumpanya na mangapital para sa reconstruction projects sa Ukraine.
Magugunitang ilang bilyong dolyar na pondo na ang naibigay ng US at ilang mga bansa mula ng atakihin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero 2022.










