-- Advertisements --

Iminungkahi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na marapat na agad na paigtingin ang kanilang mga frontline defense.

Sa ginawang pulong ni Zelensky sa mga military commander nakita nito ang pangangailangan na bilisan ang patatayo ng mga istraktura kung saan nandoon ang mga reinforcement.

Napalibutan na naiy ng Russia ang bayan ng Avdivika at tinatarget nila ang mga southern regions na Kherson at Zaporizhzhia.

Sa mga nagdaang araw ay pinabagsak ng Ukraine ang 18 sa 25 na drones ng Russia at isa sa dalawang cruise missiles nila.

Tiniyak ni Zelensky na hindi sila aatras sa kanilang operasyon at hindi rin sila natutuwa sa pagtaas ng bilang ng mga nasasawi.