-- Advertisements --
Hindi nabigo si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na makakuha ng mga karagdagang tulong militar sa Canada.
Sa pakikipagpulong nito ng personal kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay nangako ang Canada magbibigay ng dagdag na $482 milyon na tulong sa Ukraine.
Binubuo ito ng nasa 50 armoured vehicles at ilang mga bala.
Nangako din si Trudeau na kanilang isasanay ang mga Ukrainian sa paggamit ng F16 fighter jets.
Pinasalamatan naman ni Zelensky ang mamamayan ng Canada dahil sa walang humpay na pagtulong nito mula ng lusubin sila ng Russia noong Pebrero 2022.