-- Advertisements --
image 23

Iginiit ni Ukrainian President Volodomyr Zelensky na handa na ang kanilang bansa na umanib sa intergovernmental military alliance na North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Ginawa ni Zelensky ang pahayag kasabay ng pagdating nito sa Moldova para sa European Political Community summit.

Dito, dose-dosenang mga lider mula sa iba’t ibang nasyon sa Europa ang nagtipun-tipon para sa pagpupulong kung saan tatalakayin ang mga isyu sa seguridad at mga areas of cooperation sa buong kontinente.

Una ng inihayag ng NATO Secretary General, Jens Stoltenberg na lahat ng miyebro ng defense alliance ay sang-ayon na magiging miyembro ng alyansa ang Ukraine.

Nagpahayag din ng suporta si Moldovan President Maia Sandu para sa Kyiv at sa panukalang peace formula ni Zelensky at lubos na nagpasalamat sa Ukraine sa pagpapanatiling ligtas sa Moldova.