-- Advertisements --

Binisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang kaniyang mga sundalong nakatalaga sa Kherson.

Ang nasabing pagbisita ay isang buwan matapos ang pagkalaya nila mula sa kamay ng Russia.

Sinabi nito na patuloy ang ginagawang pagsasaayos ng mga nasirang gusali dahil sa pag-atake ng Russia.

Ibinabalik na rin ng gobyerno ang suplay ng kuryente at maging ang mga residente ay pabalik na rin sa kani-kanilang mga bahay.

Ito ang magkasunod na araw na pagbisita ng Ukranian president sa mga lugar na lubhang nasalanta ng paglusob ng Russia.

Nitong nakaraang araw kasi ay surpresang bumisita ito sa mga sugatang sundalo niya na nasa pagamutan ng eastern Donetsk region.