-- Advertisements --
Tatakbo na rin sa speakership race sa 18th Congress si Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate.
Sa isang pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio panahon na para magkaroon ng isang Speaker na kayang ipagtanggol ang karapatan ng mga manggagawa, Lumad, kababaihan at iba pa.
Samantala, aminado naman din si Zarate na kung numero lang ang pagbabasehan, tiyak na dehado raw siya rito.
Sa darating na 18th Congres, anim lamang kasi ang miyembro ng Makabayan bloc.