LEGAZPI CITY – Pinayuhan ni House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate na ituloy ang mga nasimulan bilang dating co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ginawa ito ni Zarate kasunod nang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Robredo sa naturang pwesto.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Zarate ay sinabi nitong “hallmark” umano good governance ang transparency kaya marapat lamang na isiwalat ni Robredo ang mga nalikom nitong impormasyon patungkol sa war on drugs.

Subalit iginiit ng kongresista na dapat tiyakin din ng Bise Presidente na anumang impormasyon na isasapubliko nito ay hindi naman lalabag sa national security.

Giit ng mambabatas, dapat na maipabatid ni Robredo kung may natuklasan itong iba pang sangkot sa iligal na droga, panibagong mga “ninja cops” o posibleng koneksyon ng drug lords sa mga opisyal ng pamahalaan.

Umaasa naman si Zarate na may mapapanagot sa madugong kampanya sa nakalipas na tatlong taon na tinawag nitong “anti-poor.”