-- Advertisements --
Inanunsiyo ng The Elasto Painters na babalik muli sa kanila para mag-coach si Yeng Guiao.
Pormal na anunsiyo ng Rain or Shine ang pagbabalik ni Guiao ilang araw lamang makalipas na binitawan ni Guiao ang coaching tasks sa NLEX.
Aniya ng grupo, “ngayon, bumalik siya para magsanay ng bagong henerasyon ng Elasto Painters. Tanging sina Gabe Norwood, Beau Belga, at Jewel Ponferrada na dati niyang sinanay ang mananatili sa ROS Team,” ayon sa statement ng team.
Ang 63-anyos at two-time coach of the year ay pinalitan si Chris Gavina.
Si Gavina ay magsisilbing isa sa mga katuwang ni coach Yeng sa team. (with report Bombo John Carlo Galvez)