Nagbigay-komento si Yen Santos sa viral na “Baguio trip as friends” issue na kinasangkutan niya kasama si Paolo Contis noong 2021.
Sa isang Q&A vlog na in-upload niya sa YouTube noong Agosto 13, tinanong siya kung okay bang isama ang crush sa Baguio “as friends.”
Sagot ni Yen, dapat malinaw ang intensyon ng trip at may transparency sa pagitan ng magkasama. Dagdag pa niya, “walang sablay” dapat kung totoo ang pakay ng biyahe.
Matatandaang naging usap-usapan ang pagbisita nina Yen at Paolo sa Baguio at Manaoag Church kasunod ng hiwalayan ni Paolo at LJ Reyes. Nilinaw noon ni Poalo na hindi third party si Yen at inimbitahan lang niya ito bilang kaibigan.
Ang “Baguio as a friend” ay naging viral meme at bahagi ng pop culture matapos ang kontrobersya.
Sa kanyang vlog, muling pinasaya ni Yen ang fans sa pagbibigay-linaw tungkol sa isyu.