-- Advertisements --

Ibinunyag ng actress na si Yam Concepcion na siya ay engaged na sa non-showbiz boyfriend na si Miguel CuUnjieng noong pang Disyembre 31, 2018.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga larawan ng kaniyang engagement.

Nagpropose ang fiance ng actress noong sila ay nasa Niseko, Japan.

Pahayag naman ni CuUnjieng na hinintay lamang nito ang anunsiyo ng actress bago rin niya itong ibunyag sa publiko.

Nagkakilala ang dalawa ng magtrabaho si CuUnjieng sa isang malaking mall sa bansa noon pang 2016 kung saan bumalik ito sa US para makapag-aral.

Hindi pa binanggit ng actress kung kailan ang petsa ng kanilang kasal.