-- Advertisements --
XI at China 70th
Xi Jinping

Tiniyak ni Chinese President Xi Jinping na kanilang mareresolba ang pagkalat ng bagong uri ng coronavirus.

Sinabi nito na mahalaga ang buhay ng bawat isa kaya bibigyan nila ito ng prioridad.

Gumagawa aniya ang kaniyang gobyerno para tuluyang hindi na madagdagan pa ang mga nadadapuan ng nasabing bagong coronavirus.

Magugunitang aabot na sa 217 kaso ang naitalang nadapuan ng nasabing virus sa Wuhan.