-- Advertisements --

Hinihikayat ni Chinese President Xi Jinping ang pagtutulong-tulong ng iba’t ibang sangay ng gobyerno sa China upang matagumpay na isagawa ang rescue at relief operations sa mga lugar na lubhang apektado ng baha sa naturang bansa.

Sinabi ni Xi na ang prayoridad nila ngayon ay siguraduhin ang kaligtasan ng bawat indibidwal lalo pa at naging mahirap na para sa kanila na kontrolin ang sitwasyon.

Inatasan ng pangulo ang lokal na gobyerno sa mga flood-hit areas na gawin ang kanilang responsibilidad at makipagtulungan para suriin ang kasalukuyang nagaganap sa mga lugar.

Dagdag pa ni Xi na dapat ay mas paiigtingin pa ng mga departamento ang pagpa-plano at koordinasyon sa tulong na kanilang ihahatid.

Itinaas kahapon ng China ang emergency response nito mula Grade III sa Grade II para sa 37.89 milyong residente ng 27 probinsya sa bansa, kasama na ang Jiangxi, Anhui, Hubei, and Hunan provinces, na apektado rin sa pagbaha.

Sa ngayon ay umabot na ng 141 katao ang hinihinalang namatay o nawawala dahil dito.