Nasa Chicago, USA na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach kasabay ng Valentine’s Day ngayong araw.
Ito’y ilang araw bago ang nakatakda nitong coverage sa NBA (National Basketball Association) All-Star 2020 Weekend ng Amerika
Ayon sa pangatlong Pinay Miss Universe, malamig ang temperatura sa Chicago pero excited na siya para sa naturang three-day event sa Amerika.
Sa Linggo ng gabi, February 16, isasagawa ang NBA All-Star game na mapapanood sa Lunes na ng umaga, February 17, sa Pilipinas.
Hndi ito na bago sa 30-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro, ang pag-cover ng isang sporting event.
Katunayan, February 2016 kung saan katatapos lang niyang koronahan bilang Miss Universe 2015, nang maging special correspondent siya para sa Super Bowl 50 o ang annual championship game ng National Football League ng Amerika.
Samantala, nagpaabot ng kanyang Valentine’s greeting si Wurtzbach.
“REaDy for #NBAAllStar weekend❤️ …also, Happy Valentine’s guys!”
Kung maaalala, bago matapos ang 2019 ay inamin nitong break na sila ng Fil-Swiss car racer na si Marlon Stockinger.