-- Advertisements --
outbreak coronavirus china 2019
China coronavirus/ CDC image

Tuluyan nang isinara ng namumuno sa Wuhan City, China ang mga public transport para hindi na kumalat pa ang nasabing outbreak ng bagong virus.

Pinayuhan ng mga otoridad doon ang halos 11 million na residente na huwag ng umalis hanggang wala pang gamot na nadidiskubre.

Kasamang isinara rito ang mga train stations at airport para walang makaalis na mga residente ng Wuhan.

Sinabihan na rin ang mga residente doon na iwasan ang pagpunta sa mga matataong lugar at bawasan ang anumang public gatherings.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 17 katao ang nasawi habang mayroong mahigit 500 ang nadapuan ng bagong uri ng virus.