-- Advertisements --
WTTC president and CEO Julia Simpson

Kinilala ng World Travel and Tourism Council (WTTC) ang mga ginagawang hakbang ng Pilipinas para makabangon mula sa matinding epekto ng pandemya.

Patunay umano rito ang pagbaba ng mga kaso ng CoVID-19, habang binubuhay naman ang industriya ang turismo at mga kaugnay na aktibidad.

Patunay rin sa maayos na mga polisiya ay ang pag-host pa ng bansa ng 21st Global Summit of the World Travel and Tourism Council noong Abril 2022.

“What an amazing summit. We really have rediscovered travel,” wika ni WTTC president and CEO Julia Simpson.

Para naman kay tourism Sec. Berna Romulo-Puyat, nagagawa ng gobyerno ang mga angkop na hakbang dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan.