-- Advertisements --

Nagbabala ang United Nations na maaaring makaranas ng “world’s largest hunger crisis” ang bansang Sudan dulot ng nangyayaring giyera doon.

Nasa higit 25 milyong katao ang nakararanas ng kakulangan sa pagkain.

Ayon sa World Food Programme o WFP, siyam sa bawat sampung katao ng bansang Sudan ang nahaharap sa “emergency levels of hunger.”

Ang kaguluhan sa Sudan ay nagdulot na rin ng largest displacement crisis sa buong mundo.

Para kay Cindy McCain, executive director ng World Food Program (WFP), nakalimutan na ng mundo ang mga tao sa Sudan kung saan milyon-milyong buhay ang nawalan ng kapayapaan.

Libo-libong buhay na ang namatay at walong milyong katao na ang nawalan ng tirahan simula ng pumutok ang giyera sa Sudan sa pagitan ng dalawang rival generals.