-- Advertisements --
Japan Tokyo economy buildings

Naitala ngayon sa Japan ang worst record ng kanilang gross domestic products (GDP) na epekto umano ng krisis na dala ng coronavirus.
Ayon sa Cabinet Office ito na ang worts GDP record sa kasaysayan ng bansa.

Ang tinaguriang world’s third-largest economy ay bumulusok ng hanggang 7.8% ang ekonomiya sa second quarter kumpara sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan.

Iniulat naman ng Cabinet Office na ito na ang worst record sa modernong panahon na nagsimula noong taong 1980.

Natukoy ang consumption ng mamamayan na siyang mahigit sa kalahati ng ekonomiya ng Japan ay nanghina ng 8.2% sa gitna na rin ng lockdown ng mga negosyo sa loob ng anim na linggo na national emergency na ipinatupad noong Abril hanggang Mayo.

Samantala sa loob lamang ng buwan ng Agosto, mahigit sa 19,000 ang naitalang panibagong kaso.

Kahapon naman sa ikaapat na sunod na araw, muli na naman silang nakapagtala ng mahigit sa 1,000 mga kaso.

JAPAN COVID Health Minister

Batay naman sa data ng Japanese Ministry of Health, Labor and Welfare meron silang kabuuang kumpirmadong COVID-19 cases na umaabot sa 55,426 habang ang death toll ay 1,101.

Nitong araw naman naitala ng Tokyo Metropolitan Government na meron silang panibagong 161 coronavirus infections.

Sinasabing ito na ang three-week low mula nang iulat ang 131 infections noong July 27, 2020.

“The lack of coherent policy response is really frightening. We need a wise, cautious and broad response to this terrible situation,” ani Noriko Hama, professor sa Doshisha Business School.