-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ni Justin Bieber ang mga natitirang concerts nito hanggang 2023.

Nagsimula kasi ang Justice World Tour noong Pebrero at matatapos ng hanggang Marso 25, 2025 na gaganapin mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Sa kaniyang social media account, sinabi ng Canadian singer na pinayuhan siya ng kaniyang doctor at maging ang pamilya nito na magpahinga.

Nais niyang tutukan ang kaniyang mental at physical matapos ang ilang serye ng show niya sa Brazil noong nakaraang buwan.

Pinayuhan nito ang mga nakabili ng tickets na itago na lamang nila ito at hintayin ang ilang anunsiyo sa pagtutuloy ng konsiyerto.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay dinapuan ito ng Ramsay Hunt Syndrome na nagdulot ng pagkaparalisa ng kalahating mukha niya subalit matapos ang paggaling niya nitong Setyembre ay bumalik na ito sa mga concerts.