ILOILO CITY – Muli na namang nasungkit ng Pilipinas ang Gold medal sa eKata o virtual karate.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay James De Los Santos, sinabi nito na ito na ang kanyang ika-apat na gold medal na nasungkit ngayong taon.

Ngayong araw Pebrero 15, napanalunan ni De Los Santos ang gold medal sa Katana Intercontinental League kung saan natalo niya ang Switzerland sa final round.

Nabasag rin ng 31 anyos na World No. 1 eKata player ang sariling record sa virtual kata tournament kung saan nakapagtala ito ng 26.64 na score na mas mataas 26.1 na kanyang naitala noong nakarang taon.