Nagsama sama ang mga bansa kabilang ang United States, Canada, Russia at Arab states upang isulong ang ceasefire sa labanan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ito ay upang ang humanitarian aid ay maihatid sa mga sibilyang Palestinian at iba pang mga apektado ng kaguluhan.
Sa pinakahuling ulat mula sa mga awtoridad, walong aid truck na may dalang tubig, pagkain at gamot ang naihatid na mula sa Egypt.
Kaugnay niyan, si U.S. President Joe Biden at Saudi Arabian Crown Prince Mohammed bin Salman ay nag-usap at nagkasundo sa mas malawak na diplomasya upang mapanatili ang katatagan sa buong rehiyon at pigilan ang salungatan na lumawak at mas tumindi pa.
Una na rito, ang nakamamatay na sagupaan ay mas tumindi sa pagitan ng Israel at Hamas sa gitna ng sunod-sunod na pagdating ng mga tulong para sa mga residente ng naturang lugar.