-- Advertisements --

Pinarangalan World Health Organization (WHO) para sa 2023 World No Tobacco Day Award, si Senator Pia Cayetano.

Matatandaan na advocate ng tobacco control, si Cayetano ay tuloy-tuloy at matagumpay na nagtaguyod ng mga batas, programa, at proyekto para labanan ang paninigarilyo, vape at heated tobacco products (HTPs).

Noong 2014, itinaguyod ni Senator Pia ang Graphic Health Warning bill na nilagdaan bilang batas bilang Republic Act 10643 at ipinaglaban ang Sin Tax Reform Act of 2012 (Republic Act 10351) bukod sa iba pa.

Ang karangalan ay naglalayong kilalanin ang mahahalagang kontribusyon ng mga indibidwal at organisasyon tungo sa pagkontrol sa tabako ay isang patunay sa kanyang puso para sa kalusugan ng publiko at sa mga Taguigeño sa kanyang patuloy na pagsisikap na panatilihing ligtas ang mga Pilipino mula sa mga nakapipinsalang produktong ito.