Itinaas ng World Bank ang growth outlook ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon at binanggit na ang bansa ay nalampasan ang kanilang mga kapantay sa rehiyon sa unang quarter.
Ayon sa Philippine Economic Update June 2023 Edition ng World Bank, ang paglago ng gross domestic product (GDP) ng bansa ay maaaring pumalo sa 6 na porsyento ngayong taon.
Ito ay mas mataas kaysa sa naunang pagtatantya nito na 5.7%.
Ang GDP growth outlook ngayong taon ay mas mababa rin kaysa sa 7.6 percent noong 2022.
Ayon kay World Bank Country Director for the Philippines, Malaysia, Thailand and Brunei Ndiamé Diop, inaasahan pa rin nila ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taong 2023.
Binanggit niya na ang ekonomiya ng Pilipinas ay nalampasan ang kanilang mga kapantay o kapareho na mga lugar sa unang quarter na lumago ng 6.4%.
Una na rito, ang target ng paglago ng gobyerno para sa 2023 ay nasa 6 % hanggang 7%.