-- Advertisements --

Nilinaw ni Labor Sec. Silvestre Bello III na dapat aprubado ng parehong empleyado at employer ang pagpapatupad ng work from home arrangement.

Magugunita na isa ang work from home arrangement sa mga pinaplano ng DOLE na tugon sakaling lumala ang sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas, at maapektuhan ang sektor ng mga manggagawa.

Sa isang panayam sinabi ni Bello na dapat may consensus at hindi isang partido lang ang tutugon sa kasunduan.

Hindi naman daw kasi mandatory ang inilabas nilang DOLE advisory hinggil sa flexible working arrangement na alternatibo sa empleyado.

Dagdag ng kalihim, ang work from arrangement ay applicable lang sa mga clerical jobs, o uri ng mga trabaho na maaaring gawin kahit hindi pumasok ng opisina.