Inilabas na ng FIFA ang mga pangalan na mga manlalaro na sasabak sa kauna-unahang FIFA Women’s Futsal World Cup na ang host ay Pilipinas.
Nangunguna dito ang mga World Cup players ng bansa na sina Jaclyn Sawicki, Katrina Guillou at Isabella Flanigan.
Ang tatlo ay naging bahagi na ng Philippine Women’s National Football Team noong sumabak sila sa 2023 FIFA Women’s World Cup.
Sila ngayon ang mangunguna sa Filipina5 sa ilalim ni coach Rafael Merino.
Kabilang din sa listahan sina Lanie Ortillo, Isabella Bandoja, Rocelle Mendaño , Samantha Hughes, Kayla Santiago, Cathrine Graversen ,Judy Connolly, at Regine Rebosora.
Nasa Group A ang World number 63 na Pilipinas kung saan kahanay nila ang worl number 14 na Poland, number 31 na Morocco at number 6 na Argentina.
Magsisimula ang torneo sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 7 sa Philsport Arena sa Pasig City.
















