-- Advertisements --
Pinatawan ng NBA si Minnesota Timberwolves star Anthony Edwards ng $40,000 na multa dahil sa homophobic language nito sa social media.
Sinabi ni NBA league operatioins chief Byron Spurell na isang “offensive at derogatory language” ang ginagamit ni Edwards sa kaniyang social media.
Nangyari ang insidente ng batikusin at kutyain ng 21-anyos na si Edwards ang grupo ng mga lalaki sa kaniyang Instagram.
Agad naman nitong binura ang video at humingi na rin ng paumanhin ang 21-anyos Timberwolves star.