-- Advertisements --
Naghain ng guilty plea si US basketball star Britnney Griner sa kaniyang drug smuggling case sa Russia.
Itinanggi rin nito na kaniyang nilalabag ang batas ng Russia na siyang magkakaroon ng gusot sa pagitan nila ng US.
Ang two-time Olympic gold medalist at WNBA star kasi ay nakakulong sa Russia noong Pebrero matapos na makita ang iligal na substance sa kaniyang vape noong Pebrero.
Sinabi ng kaniyang abogado na si Alexander Boykov na umaasa silang magbigyan ito ng magaan na hatol.
Magugunitang sinulatan na ni Griner si US President Joe Biden at umapela na tulungan siya.
Tiniyak naman ni Biden na gagawin nila ang makakaya para ito ay makalaya.










