-- Advertisements --

ILOILO CITY – Eksklusibong dumulog sa Bombo Radyo ang witness sa nangyaring shootout sa pagitan ng personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine Army sa Sta. Barbara, Iloilo.

Napag-alaman na napatay sa shootout si Jail S/Insp. Andrew Larupay, district jail warden ng BJMP sa La Carlota City, Negros Occidental.

Habang ang suspek naman ay si Private First Class Bjourn Kirby Esposo na nakadestino sa 12th Infantry Batallion ng Philippine Army.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iladio Galimbong Jr., sinabi nito na unang nilapitan ng jail warden pagkababa nito sa kotse ang sundalo na sakay ng elf truck.

Dito na siya walang habas na binaril ng suspek kung saan nagtamo ito ng pitong sugat sa katawan na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.