-- Advertisements --

Panibagong celebrity ang nadagdag sa listahan ng mgma sumasailalim sa military reservists.

Ito ay ang first ever Pinay na tinanghal bilang Reina Hispanoamericana noong 2017 na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez .

Ayon sa 28-year-old actress turned beauty queen, tumalima naman sila sa nararapat na health protocol sa gitna ng coronavirus pandemic sa bansa.

https://www.instagram.com/p/CDV1urFgs_c/

Katunaya aniya, lahat sa kanilang batch ay inobligang sumailalim sa rapid test bago sumalang sa training.

Kahanay na ni Winwyn sa military training sina Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, at Arci Muñoz.

Kung maaalala, nitong Hunyo naman ay ipinagmalaki ng aktor na si Wendell Ramos ang pagiging certified member ng ABP (Ang Bumbero ng Pilipinas) bagama’t aminadong marami pa rin siyang dapat na matutunan at maranasan.