-- Advertisements --
Binuhat ni Mikey Williams ang TNT Tropang Giga para tuluyang talunin ang Phoenix Super LPG Masters 87-72 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Nagtala si Williams ng kabuuang 27 points sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.
Nagdagdag naman ng 20 points si Roger Pogoy.
Mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang TNT habang mayroog dalawang panalo at apat na talo naman ang Phoenix.










