-- Advertisements --

Tuluyang nagbitiw sa Academy of Motion Pictures Arts & Sciences si Will Smith.

Kasunod ito sa nangyaring pananampal niya sa Oscars presenter na si Chris Rock.

Dagdag pa ng actor na handa umano nitong tanggapin ang ipapataw na parusa sa kaniya ng board.

Kinumpirma naman ni David Rubin ang pangulo ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences na natanggap na nila ang resignation ni Smith.

Magugunitang nag-public apology na ito sa ginawa nito kay Rock.