-- Advertisements --
Labis pa rin ang pagsisisi ni Will Smith sa ginawa nitong pananampal kay Chris Rock noong Oscars Awards ceremony.
Sa panibagong video na inilabas nito sa social media, sinabi nito nagpaabot na ito ng paumanhin sa kapwa actor.
Subalit hindi pa umano handang makipag-usap ang komendyanteng si Rock.
Dagdag pa nito na nakahanda lamang siya kung nagbago na ang pasya ni Rock at ito ay kaniya ng makikipag-usap.
Magugunitang noong Marso ay naging kontrobersyal ang nasabing award ng sapakin ni Smith si Rock dahil sa hindi nito nagustuhan ang biro sa asawa nito.
Dahil dito ay pinagbawalan si Smith na makadalo sa anumang Oscars Award.