-- Advertisements --
CALIFORNIA, USA – Lalo pang lumawak ang wildfire sa California, USA ngayong araw.
Ayon kay Bombo international correspondent Jun Villanueva, ito na ang pinaka malawak na sunog sa naturang estado batay sa kanilang kasaysayan.
Umaabot na umano sa 1.2 million hectares ang nadamay sa pagkalat ng apoy.
Habang 3,702 ang mga gusali at bahay na natupok at $819 million o katumbas ng P40 billion na ang danyos na nalikha ng wildfire.
Sa kasalukuyan, kahit gabi umano ay nagpapatuloy ang paglikas ng mga residente sa lugar na daraanan ng sunog.