Sinimulan ng World Health Organization (WHO) Emergency Committee on COVID-19 ang mga deliberasyon kung ang pandemya ay nangangailangan pa rin ng pinakamataas na antas ng alerto.
Ang Emergency Committee ay nagdaraos ng pulong tuwing tatlong buwan upang talakayin ang pandaigdigang pandemya ng COVID-19 higit sa dalawang taon matapos nitong irekomenda ang pagdeklara ng outbreak bilang Public Health Emergency of International Concern, ang pinakamataas na antas ng alerto ng WHO.
Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ang bilang ng lingguhang iniulat na pagkamatay sa COVID-19 ay malapit sa pinakamababa mula noong nagsimula ang pandemya, at two-thirds ng populasyon ng mundo ang nakakumpleto ng primary course ng vaccination, kabilang ang 75 porsiyento ng mga manggagawang pangkalusugan at matatandang tao.
Gayunpaman, idinagdag niya na mayroon pa ring patuloy na panganib sa populasyon ng mundo, na binabanggit ang malawak na pagkakaiba sa mga vaccination rates.
Mayroon ding global decline sa surveillance, testing, at sequencing na naglalagay ng mga uncertainties tungkol sa potensyal na epekto ng kasalukuyan at future coronavirus variants.