-- Advertisements --

Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na maaring ito pa lamang ang simula ng pagkalat ng monkeypox.

Kasunod ito sa mayroong naitalang mahigit 200 na kaso nito sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Ayon kay Sylvie Briand ang WHO epidemic and pandemic preparedness and prevention chief na hindi normal ang nagaganap na pagkalat ng nasabing virus.

Ang nasabing virus aniya ay nakita na sa mahigit 20 ibang mga bansa kabilang ang US, Australia, United Arab Emirates at ilang mga bansa Europa.

Muling nanawagan ang mga ito na huwag magpanic dahil sa ginagawa aniya ng mga kaukulang ahensiya ang kanilang makakaya para mabantayan ang pagkalat ng nasabing virus.