Nanawagan ang World Health Organization sa militanteng grupong Hamas na palayain na ang lahat ng kanilang mga bihag na mga sibilyan.
Ito ay dahil sa banta sa kalusugang maaaring matamo ng naturang mga biktima habang hawak sila ng naturang militanteng grupong Hamas.
Ayon WHO, dapat na pahintulutan ang International Committee ng Red Cross na makapasok para sa pagsasagawa ng immediately medical access upang matiyak ang pagpapaabot ng health support para sa mga biktima ng naturang kaguluhan.
Sa isang statement ay sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na karamihan sa mga bihag ng Hamas ay pawang mga bata, kababaihan, at matatanda na mayroong pre-existing health conditions na nangangailangan ng agarang treatment.
Bukod dito ay ipinunto rin ng opisyal na kinakailangan ding matugunan ang nararanasang mental health trauma ng mga biktima, at pamilya ng mga ito.
Samantala, kasabay nito ay tiniyak naman ni Tedros na gagawin ng UN health agency ang lahat upang magpaabot ng suporta sa health at humanitarian needs ng naturang mga hostage victims.
Kung maaalala, una nang napaulat na mayroong 222 indibidwal ang dinukot umano ng militanteng grupong Hamas, habang umabot na sa libo-libong mga Israeli at Palestinians din ang nasawi nang dahil sa nasabing kaguluhan.