-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan ang World Health Organization (WHO) na magbigay ng tulong sa Pilipinas sa paglaban nito sa monkeypox virus.

Sabi ng opisyal ng WHO Philippines- in-Charge na si Dr. Graham Harrison na tulad ng ginagawa nila sa lahat ng paglaganap ng sakit, ang WHO ay patuloy na nakikipagtulungan sa DOH (Department of Health) para magbigay ng teknikal na payo para suportahan ang pagbuo at pagpapatupad ng mga pambansang patakaran, estratehiya, at plano,”.

Ipagpapatuloy nila ang kanilang suporta habang nagbabago ang sitwasyon.

Binanggit din ni Harrison ang kahandaan ng DOH sa paghawak ng monkeypox.

Ang Kagawaran ng Kalusugan ay naging maagap sa paghahanda, pag-iwas, at pagtugon sa monkeypox.

Hinimok ng opisyal ng WHO ang publiko na manatiling mapagbantay kasunod ng pagkakatuklas ng unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Nais nilang i-highlight na ang monkeypox ay maaaring makaapekto sa sinuman, ngunit lahat ay maaaring makatulong na mabawasan ang transmission nito.

Kabilang sa mga karaniwang sintomas ng monkeypox ang lagnat, namamaga na mga lymph node, at pantal na paltos at mga crust.

Kung sa tingin mo ay mayroon kang monkeypox, hinihikayat ang mga ito na humingi ng medical advice.