-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala ang World Health Organization (WHO) dahil sa dumaraming mga bilang ng mga mamamayan ng Ukraine ang walang access sa mga gamot.
Ayon kay Dr. Jarno Habicht ang WHO representative sa Ukraine na isa sa limang katao ang nahihirapang makakuha ng access ng medisina.
Ang patuloy na pag-atake ng Russia sa Ukraine ay siyang nagiging dahilan ng pagkasira ng mga iba’t-ibang health facilities.
Nasa mahigit 700 health care facilities sa Ukraine rin ang nasira dahil pag-atake ng Russia mula pa noong Pebrero.