-- Advertisements --
Hinikayat ng World Health Organization (WHO) ang mga mayayamang bansa na huwag ng bakunahan laban sa COVID-19 ang mga kabataan at sa halip ay i-donate na lamang ang mga bakuna sa mga mas mahirap na bansa.
Sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na ito ngayon ang mahalagang gawin ng mga mayayamang bansa dahil sa nararanasan ang matinding epekto ng pandemic.
Hindi kasi ito sang-ayon sa plano ng mga mayayamang bansa na bakunahan ang mga nasa edad 12 hanggang 17 dahil marami pang mga mas mahirap na bansa ang hindi pa nakakapagsimula ng mga pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Mas mahalaga aniyang ibigay na lamang bilang donasyon sa COVAX facility ang nasabing mga bakuna kaysa iturok sa mga menor de edad.