-- Advertisements --
image 76

Target ngayong gamitin ng World Health Organization ang digital Covid pass ng European Union bilang batayan para sa global health certification system nito.

Ito ang inihayag ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus matapos ang naging paglagda nila ni EU health commissioner Stella Kyriakides sa isang kasunduan sa Geneva.

Aniya, sa naranasang pandemya ng iba’t-ibang mga bansa nang dahil sa COVID-19 ay nakita ang kahalagahan ng digital health solution para mas mapadali pa ang access ng bawat isa sa health service.

Dahil dito ay gagawin nang global public good ang Covid certificate ng EU bilang unang hakbang nito sa paglika ng isang global digital health certificate network na palalawakin pa upang maisama ang mga bagay tulad ng digitalized international routine vaccination card.

Layon nitong tumulong na protektahan ang mga tao mula sa ibat ibang banta sa kalusugan na posibleng maranasan natin sa hinaharap.

Naniniwala si Tedros na magiging mahalagang bahagi ng kanilang pagsusumikap na palakasin pa ang health system at suportahan ang kanilang mga state members upang paghandaan ang mga susunod pang epidemya o pandemya posible nitong makaharap sa susunod na mga panahon.