-- Advertisements --

Pinaiiwas ng World Health Organization (WHO) ang publiko na dumepende lang sa development at paghihintay na maging available na ang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay WHO Western Pacific regional director Dr. Takeshi Kasai, bagamat magandang balita ang mabilis na development ng anti-COVID vaccines ay hindi pa rin tiyak na matutugunan nito ang demand ng buong mundo.

“But I am also cautious because even they can really manage, develop safe and effective vaccine, the production capacity would not really meet the demand coming from the entire world,” ani Dr. Kasai.

“I think what is important is that we continue to improve our response and not just hope for the vaccine.”

Patuloy daw ang pakikipag-ugnayan ang WHO sa iba’t-ibang partners nito para maipatupad na ang nabuong plano ukol sa bakuna.

Kasali ang WHO sa mga nagtayo ng Access to COVID-19 Tools Accelerator, ang nasa likod ng COVAX facility, na siyang magbibigay ng patas na access sa bakuna ng bawat bansa.

“We are now working together with countries around the world to find a way to make those pledges into action.”

Kamakailan nang sabihin ng Russia na may na-develop na silang bakuna laban sa COVID-19. Pero lumalabas na tulad ng ilang bakuna sa China, Amerika at Europe, ang kanilang developed-vaccine ay dadaan pa sa huling stage ng clinical trial.