-- Advertisements --

Bukas ang World Health Organization (WHO) sa mga bagong pag-aaral ukol sa pinagmulan umano ng COVID-19 virus.

Sinabi ni WHO emergencies director Michael Ryan na masyado pang maaga para sabihin na nagmula umano sa mga hayop sa palengke ng Wuhan, China ang nasabing virus.

Sa ngayon kasi ay dalawang mga teorya ang pinagde-debatihan na bukod sa galing umano sa mga hayop na ibinebenta sa palengke sa Wuhan ay may siang teorya na dahil umano sa chemical leak sa isang laboratory.

Dagdag pa nito na lahat aniya ang mga pag-aaral ay tinatanggap ng WHO subalit patuloy pa rin ang kanilang ginagawang pag-aaral.